Sunday, 31 July 2016
Wikang Filipino Wikang Pambansa, Wika ng mga Pilipino
Tuwing Buwan ng Agosto ipinagdidiriwang natin ang Buwan ng Wika. Ang tema ng Buwan ng Wika ngayong taon ay Wikang Filipino: Wika ng Karunungan
Ang Wikang Filipino ay ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. Ang Karunungan naman ay isa itong marunong o matalinong pag-iisip o kaisipan; o ang pang-unawa sa tama at mali; at pagkakaroon ng matalinong pag-iisip o pinag-aralan
Wika ng Karunungan?
Ito ay ang mga pamana ng ating ninuno mga biniling karunungan dito lang tayo nagkakaintidihan. Ang wikang Filipino ay ginagamit noon pa man ng ating mga ninuno.Hanggang sa nagpasalin-salin at ginagamit parin natin sa pagbigkas hanggang sa kasalukyan. Marami na ang pagkakaiba ng mga Pilipino at marami na rin ang naiimpluwensiyahan na gumamit ng ibang wika pero naisip niyo ba na maaari itong makapagdulot ng suliranin sa ating sariling pagkakakilanlan?
Ang wikang Filipino ay ginawa ng ating mga ninuno upang tayong mga Pilipino ay magkaintindihan at maging malaya sa anumang nais nating bigkasin o ipahiwatig gamit ang ssarili nating wika. (Ma. Esabel Pardillo)
Ang Wikang Filipino ay hindi lamang simpleng wika isa itong wikang ating ikinagisnan mula sa pagkabata hanggang sa ating pagtanda. Ang Wikang ito ay hindi dapat maliitin dahil kung wala ang wikang ito baka wala ding naturingang Pilipino , marami na ang dayuhang nanakop sa bansang Pilipinas ang EspaƱol, Hapon Amerikano at iba pa ngunit ang wikang Filipino at ang Pilipino ay hindi nagpatinag ito ang wikang pambansa at nananayantag parin mula noon hanggang ngayon. (Florencio N. Pulido III)
Ang wika ay dapat nating pangalagaan dahil ito ang sumisimbolo sa ating pagkatao, kung wala ang wika natin hindi na tayo matatawag na mga Pilipino dahil ito ang ating wika na dumadaloy na sa ating dugo mula pa noon. Kaya nga Ipinaglaban ng ating mga bayani ang Pilipinas upang ipaglaban ang ating sariling wika, Kung kaya tayo dapat nating pangalagaan at ingatan natin ang ating sariling wika Ang Wikang Filipino. (Cherry Medrina)
Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang wikang ginagamit sa lahat ng sulok ng bansa. Ito ang nagsisilbing sinturon upang maitali ang mga mamamayan upang maging isa sila sa kanilang mga diwa, pangarap at kalsadang tinutugpa. Mahirap na isipin kung walang sariling wika na magiging daan upang magkabuklod-buklod ang mga hiwa-hiwalay na isla ng Pilipinas. Maaaring magdulot ito ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan.
Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang sasakyan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.
Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang bansa sa kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito. Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro ng mga mamamayan upang maiparatibg sa kanilang pamahalaan ang kanilang mga hinaing.
Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba't ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa.Dpat Nating Gamitin ito.. (Allan Jr Villamero)
Tayong mga Filipino ay likas na matalino. Malugod nating ipinagmamalaki ang ang ating pambansang wika at ito ay ang wikang Filipino. Ang wikang Filipino ang nag-uugnay sa ating mga Pilipino. Ilocano, Bisaya, Cebuano, Capampangan, at Waray. Ilan lamang ito sa mga wika nating mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mga wikang ito, nagkakaintindihan tayo. Pero bakit ba may mga ibang Pilipino na mas gugustuhin pang matutong magsalita ng ibang wika?
Ang wikang Filipino ang wikang ating kinagisnan simula pagkabata hanggang sa pagtanda natin. Maari naman tayong matuto ng ibang wika pero dapat ilagay natin sa tamang lugar. Kung nanadito tayo sa Pilipinas, dapat wikang Filipino ang ating gamitin. Maraming kapwa nating Pilipino na may nakamit sa ibat ibang larangan, mapa-boxing man, basketball, beauty pageant at iba pa. Ito ang patunay na magagaling at matatalino tayong mga Pilipino. Ang wikang Filipino ang siyang nagbubuklod-buklod sa atin tungo sa kapayapaan at karunungan. Ang wika nati'y ipaglaban sapagkat ito ang magdadala sa atin sa pagkakaroon ng maraming kaalaman at pagkamit ng ating mga minimithi na mapalago ang ating bansa at ekonomiya gamit ang mga makabagong teknolohiya ngayon mas marami pa tayong matututunan.
Kaya tayong mga Pilipino, dapat mahalin, ipagmalaki at tangkilikin ang sarili nating wika, ang wikang Filipino.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ReplyDeleteKinatawan ng Pangkat Dalawa
Florencio N. Pulido III Encoder/Blog Supervisor
Jessa Mae Niebla Artist
Ma. Esabel Pardillo Writer
Allan Jr Villamero Head Writer
Audream Bulotano Writer
Reyna Jane Jayme Writer
Ruzzle Hope Conde Secretary
Kristel Maloloy-on
Aricha Ando